Ang Gabay Para sa Bagong Muslim
na akda ni Shiekh Fahd Salem Bahammam
Ang katangitanging gabay na inilahad sa iyo ay siyang unang hakbang at tumatayo bilang isang bahaging batayan ng iyong pag aaral sa dakilang pananampalataya na ito na walang alinlangang ito ang siyang pinakamaran- gal na pagpapalang iginagawad ng Allah sa tao.
Ito ay nagkakaloob sa iyo ng mga alituntuning gagabay sa iyo sa lahat ng mga aspeto ng buhay na iyong kahaharapin, at tumutugon sa iyong mga mahahalagang katanungan, gayundin at susuporta sa iyo sa pakikitungo sa mga taong nasa iyong kapaligiran at matagumpay na pakikisalamuha sa iba’t ibang kalagayan na karaniwan mong matatagpuan sa iyong sarili.
Inilahad sa isang malinaw na pamamaraan, ang gabay na ito ay nagbibigay sa iyo nang may kaakibat na kaalamang nagmula sa Qur’an at sa Sunnah ng Propeta.
Ito ay naglalaman ng mga aral na marapat matutunan ng isang Muslim gaya ng:
- Pagdarasal (Salah)
- Pag-aayuno
- Pagbibigay ng Zakah
- Panuntunan ng magandang Pamumuhay bilang isang mananampalataya at iba pa.